Naglabas ng abiso ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Field Office 1 na tanging limang daang kliyente lamang ang i-accommodate kada araw.
Sakop ng abiso ang mga kliyente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos Kita Program (AKAP).
Isang indibidwal lamang ang maari ring pumasok sa tanggapan para sa pagproseso ng iba pang aplikasyon maliban na lamang sa mga miyembro ng Senior Citizen, Persons with Disability at buntis.
Layunin nito na masigurong maipatutupad nang maayos ang mga aplikasyon, maiproseso ng mabilis ang mga maaring maibigay na tulong at para na rin sa kaligtasan ng mga kliyente at kawani ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments