
โCauayan City – Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office II (DSWD FO2) ang kauna-unahang Regional Management Committee (RMANCOM) Meeting, bilang bahagi ng pagpapatibay ng pamamahala at koordinasyon sa rehiyon.
โTinalakay sa pulong ang mga localized policy guidelines, process flows, at mga alituntunin sa pagdalo ng mga kawani sa trainings at opisyal na aktibidad ng tanggapan.
โTinukoy rin ang mga regional thrusts at prayoridad para sa CY 2026 upang matiyak ang maayos at napapanahong pagpapatupad ng mga programa at aktibidad ng DSWD FO2.
โBukod dito, binigyang-pansin din ang resulta ng Office Performance Commitment para sa ikalawang semestre ng CY 2025, mga catch-up plan ng mga dibisyon at programa, at mga napagkasunduan sa regional conferences at evaluation workshops.
โSource: DSWD Region 2
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










