𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗞𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡

Nakapreposisyon na ang mga Family Food Packs at Non-Food Items para sa posibleng augmentasyon ng mga lokal na pamahalaan sa buong Region I na maaapektuhan ng Bagyong Julian.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD FO1, kabuuang 75, 084 FFPs habang 18, 364 naman na mga Non-Food Items ang nakahanda na.

Hanggang sa kasalukuyan, nasa 2, 253 na mga pamilya na mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang naitalang apektado ng nararanasang bagyo.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga LGUS sa Rehiyon Uno para sa tamang pamamahagi ng tulong sa mga maaapektuhan pa ng sama ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments