Umabot na sa mahigit dalawang milyong piso ang naibigay na karagdagang tulong ng DSWD sa apektadong pamilya ng El Niño sa buong Rehiyon Uno.
Nakatanggap ng tig-isang Family Food Pack ang 500 na benepisyaryo sa Binmaley, Pangasinan at 1,500 naman sa Sto. Tomas, La Union sa pamamagitan ng DSWD Food-for-Work (FFW) Program.
Ang FFW ay isang programa sa ilalim na DSWD na may layuning magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga bulnerableng sektor na may kaugnayan sa pag-iwas at paghahanda sa kalamidad, rehabilitasyon, at mga aktibidad na makakatulong upang maiwasan at malunasan ang epekto ng Climate Change.
Nauna na ring tiniyak ng ahensiya ang kahandaan sa paparating na tag ulan at la niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments