𝗗𝗧𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗭𝗘

Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry Pangasinan sa mga consumers at retailers ukol sa umiiral na Price Freeze matapos isailalim ang Dagupan City sa State of Calamity.

Ayon sa DTI Pangasinan, sa ilalim ng Section 6 of Republic Act (RA) No. 7581 o mas kilala bilang Price Act of the Philippines na amyendahan sa ilalim ng RA 10623 sa Automatic Price Control, epektibo ito sa loob ng 60 days.

Kabilang sa mga produktong ito ay sardinas, processed milk, condensed milk, kape,tinapay, noodles,asin, sabon panlaba, bottled water at kandila. Samantala, wala ring paggalaw hanggang sa ngayon ang mga noche buena items sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments