Ilang araw bago ang Pasko at Bagong Taon, naglabas ng paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 1 sa mga consumers sa kanilang pamimili ng Holiday season items. Upang matiyak ang safe human consumption, maiging siyasatin ang label, mga nilalaman, maging ang expiry date ng produkto.
Mainam din ang paglilista ng mga kakailanganing bilihin bago magtungo sa pamilihan upang maiwasan ang impulsive buying.
Binigyang-diin din ng ahensya ang pagtiyak na ang mga binibiling christmas ornaments tulad ng Christmas lights at iba pang pangdisensyo ay may Philippine Standard Quality at Safety Mark.
Ngayong holiday season, isinusulong ng DTI ang wais at responsableng pamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments