𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗩𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗𝘀, 𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡, 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Siniguro ng Commission on Elections o COMELEC na prayoridad ang mga persons with disabilities (PWDs), buntis, mga senior citizen sa paparating na Halalan sa May 2025.

Mula sa normal na oras, maaring bumoto ang mga ito mula alas singko hanggang alas syete ng umaga sa kada voting precinct.

Sa pagbisita ni COMELEC Chairman George Garcia sa Dagupan City,sinabi nito na sisikapin nilang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga vulnerable sectors upang maisulong ang kanilang karapatan sa pagboto.

Dagdag pa ni Garcia, na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga malls upang magkaroon ng voting precinct.

Pagbibida naman ni Garcia ang bagong Automated Counting Machine o ACM, ay kayang magamit ng mga PWDs at senior citizen.

Samantala, maari pa ring i-asiste ang mga ito ng kanilang pamilya sa kanilang pagboto sa darating na Midterm Election. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments