Dumadaing ngayon ang ilang mga nagsusuplay ng itlog sa lalawigan ng Pangasinan, dahilan ng mababang presyo ng itlog na magdadalawang buwan nang nararanasan ang oversupply nito.
Sa kabilang banda, sinasamantala naman ngayon ng ilang mga konsyumer ang mababang presyo nito, kaya namaβy hindi na lang tingi ang binibili ng ilan, bagkus ay tray-tray na.
Samantala, ang presyo ng itlog ngayon ay naglalaro mula apat na piso hanggang walong piso, depende sa sukat nito.
Ayon naman sa grupo ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, asahan na babalik na ang regular na presyo nito sa mga paparating na buwan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments