Magpapatuloy ang umiiral na El Niño Phenomenon at maaaring magtagal ng hanggang sa buwan ng Pebrero ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Bagamat ganito ay inihayag ng pamunuan na sa ilalim ng Advisory No. 7, magiging neutral state umano ng El Niño Southern Oscillation (ENSO) o maaaring maramdaman ang bahagyang paglamig sa darating na June 2024.
Ang lalawigan ng Pangasinan, kasalukuyang nasa ilalim ngayon ng kategoryang Drought season o panahon ng tagtuyot base sa inilabas na assessment ng PAGASA National.
Samantala, matatandaan na noong June 2023 nang ideklara ng PAGASA ang umpisa ng El Niño Phenomenon at kasunod nito ay nauna na ring pinahayag na 65 na probinsya sa buong bansa ang maaaring makaranas o nakaranas na ng matinding tagtuyot sa unang quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨