
β
βCauayan City – Muling pinuri ni Ellen Adarna ang dating partner na si John Lloyd Cruz bilang isang mabuting ama sa kanilang pitong taong gulang na anak na si Elias.
β
βIto ang ikalawang pagkakataon na pinasalamatan ng aktres ang aktor sa maayos nitong pagtupad sa responsibilidad bilang magulang.
β
βLumutang ang pahayag na ito kasunod ng pagbubunyag ni Ellen tungkol sa umanoβy kakulangan sa financial support ng estranged husband niyang si Derek Ramsay para sa kanilang isang taong gulang na anak na babae.
β
βSa kanyang Instagram Stories noong February 20, ibinahagi ng aktres na hindi umano agad nakapagbigay ng sustento si Derek mula Oktubre hanggang Disyembre 2025 hanggaβt hindi niya ito pinaalalahanan.
β
βDahil dito, iginiit umano ng aktres na hindi makakalapit ang aktor sa kanilang anak kung hindi nito tutuparin ang obligasyon sa gastusin, lalo na matapos silang umalis sa bahay nito.
β
βKamakailan ay nagbigay naman umano si Derek ng credit card na may β±50,000 buwanang limit, ngunit ayon kay Ellen, hindi pa ito sapat sa kabuuang pangangailangan ng bata.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










