𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 #𝟮𝟰𝟰𝟭, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Rosales ang emergency hotline na 2441 upang mapabilis ang pagresponde sa mga sakuna.

Layunin ng emergency hotline na kolektibong matugunan ang pangangailangan ng tulong tuwing may sakuna, health emergencies at aksidente katuwang ang PNP, BFP AT MDRRMO.

Ayon kay Municipal Mayor William Cezar, ang pagtatatag ng naturang proyekto ay naging posible sa paggamit ng bahagi ng Disaster Risk Reduction Budget and Plan bilang isa sa mga malaking ahensya na tumutugon sa mga emergency.

Ang numerong 2441 ay madali umanong matandaan ng mga Rosalenian dahil pareho ito sa zone improvement plan code o ZIP code ng bayan.

Inaasahan ng mga residente ang mas ligtas na komunidad sa tulong ng emergency hotline. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments