Pinaigting ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang kahandaan sa posibleng epekto ng Bagyong Nika sa lalawigan matapos itaas sa Red Alert status ang emergency operation nito.
Isa lamang ang La Union sa mga lugar sa rehiyon na tinukoy ng RDRRMC 1 na maaring maapektuhan ng storm surge dahil sa nararanasang sama ng panahon.
Tiniyak ng tanggapan na handa na sa deployment ang mga rescue equipments at assets ng lalawigan na kinabibilangan ng transports vehicles tulad ng rescue truck, rubber boats, heavy equipments para sa posibleng road clearing operation.
Nakahanda rin ang 16 na grupo ng MDRRMC officers sa lalawigan para sa sa search, rescue, retrieval hanggang sa emergency medical services.
Inilikas na rin ang nasa 162 na indibidwal o katumbas ng 62 pamilya mula sa Brgy mindoro, Bangar na kasalukuyang nasa Bangar Municipal Hall, Covered Court, Municipal Evacuation Center and Bangar Central School.
Patuloy ang isinasagawang monitoring ng tanggapan sa dalawampung bayan ng lalawigan sa posibleng pinsala na matamo dahil sa bagyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨