Dalawampu’t siyam na empleyado ng iba’t-ibang resort at cottages sa Alaminos City ang sumailalim sa limang araw na Water Search and Rescue (WASAR) Training.
Ang pagsasanay ay layuning maihanda ang mga ito sa pagresponde sa iba’t-ibang aksidente o sakuna.
Ayon pa sa lokal na pamahalaan, Bahagi ito ng programa ng lungsod upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga turista at mamamayan sa lungsod.
Pinangunahan ng Alaminos City Tourism and Cultural Office katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng La Union /La Union Rescue 911 na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments