Tumaas ang employment rate sa Ilocos Region hanggang nitong buwan ng Hulyo ngayong taon.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 94.5% ang naitalang employment rate increase na mula sa 94.1% mula noong 2022.
Kaugnay nito, kabuuang 212, 293 ang bilang ng mga jobseekers sa rehiyon na nairefer sa mga job placement kung saan 184, 915 ang nabigyan ng trabaho.
Nagpapatuloy din ang mga programa sa ilalim ng Public Employment Services kung saan kabuuang 822, 081 indibidwal ang naabot ng isinagawang Labor Market Information sa Region 1.
Tiniyak ng DOLE Region 1 na mas paiigtingin pa ng ahensya ang mga programa upang maitaguyod ang pagbibigay ng job opportunities sa mga residente ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments