Magsisimula ngayong araw, September 21 hanggang bukas ang entrance examination para sa Philippine Military Academy (PMA) sa Provincial Training and Development sa bayan ng Lingayen.
Para sa mga nais kumuha ng eksaminasyon, kinakailangan dalhin ng mga regular applicants ang Printed Exam Permit na may pinakabagong 2×2 picture sa puting background, at isang Valid ID.
Para naman sa mga walk in, kailangang mayroong Duly Accomplished Cadet Applicant Form na makukuha sa PMA Website o sa mismong examination center, kopya ng PSA Birth Certificate, kopya ng SHS Form 137 o 138, 2×2 picture at valid ID.
Ayon kay Philippine Air Force Lt Col. Frederick Busgano, isa sa requirement ang pagkakaroon ng 85% na GPA o GWA. Sa araw ng eksaminasyon na uumpisahan alas dose ng tanghali bagamat kailangang maaga, pencil #2 lamang ang gagamitin.
Sa parehong lalaki at babae, kinakailangang nasa 17 to 22 years old ang maaari lamang mag-exam at dapat ay nasa 5 ft hanggang 6’4 ft ang tangkad.
Nagtalaga ng isang bus mula sa Camp Abat Manaoag na maghahatid para sa mga aplikante sa naturang venue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨