𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧

Dinaluhan ng 59 kinatawan at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa iba’t-ibang departamento hanggang sa mga ospital ang isinagawang Public Speaking and Presentation Skills Seminar.

Mula sa inisyatibo ng Provincial Human Resource Management and Development Office, layunin ng naturang seminar na paghusayin ang lebel ng komunikasyon ng mga empleyado ng gobyerno sa tulong ng ilang techniques at tools nang mapagtibay ang presentasyon at pagsasalita ng mga ito.

Nagsilbing tagapagsalita sa buong araw na seminar si Culture and Arts Officer III Nathaniel Daroy mula sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments