Lalo pa umanong lumawak ang epekto ng toxic red tides sa ibat ibang bahagi ng bansa ngayon kaya naman agad na nagbigay aksyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ukol dito para agarang maiwasan na maibenta sa mga wet market ang mga lamang dagat na maaaring nanggaling sa mga bahagi ng karagatan na may red tide toxin.
Dito sa Pangasinan, ilang bahagi ng pamilihan na rin ang hinigpitan muna ang bentahan ng lamang dagat lalo na sa mga wet market lalo at isa rin ang lalawigan sa malaking nag-aangkat at nagbebenta ng mga iba’t-ibang uri ng shellfish sa bansa.
Ayon sa post ng BFAR Central Office, nakararanas at nananatiling positibo ang ilang bahagi ng karagatan sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide lalo na sa mga bahagi ng Visayas at Mindanao.
Inihayag naman ng BFAR na ligtas pa rin kainin ng tao at maaari pa rin silang bumili ng mga produktong isda, pusit, hipon, at mga alimasag basta ay sariwa ang mga, nahugasan ng mabuti at natanggal ang mga hasang at mga lamang loob nito bago lutuin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨