Friday, January 30, 2026

π—˜π—₯π—’π—£π—Ÿπ—”π—‘π—’ π—‘π—š 𝗕π—₯π—œπ—§π—œπ—¦π—› π—”π—œπ—₯π—ͺ𝗔𝗬𝗦, 𝗑𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—šπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—”π—§π—”π—£π—’π—¦ π— π—”π—š-π—§π—”π—žπ—˜π—’π—™π—™ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—¦ π—©π—˜π—šπ—”π—¦

Cauayan City – Nawalan ng kanang rear wheel ang isang Airbus British Airways ilang segundo matapos umalis sa Harry Reid International Airport sa Las Vegas habang nag‑retract ng landing gear.

Kumpirmado rin ng paliparan na ang flight na patungong London ay ligtas na nakalapag sa Heathrow Airport matapos ang siyam na oras at labing pitong minutong biyahe.

Wala ring iniulat na pinsala o nasaktan sa eroplano at sa mga pasahero. Nakuha na rin ang nahulog na gulong mula sa airfield.

Sa kasalukuyan, ang insidente ay iniimbestigahan ng National Transportation Safety Board (NTSB) at ng iba pang ahensiya, habang pansamantala ring tinanggal sa serbisyo ang eroplano para sa masusing inspeksyon at pagkukumpuni.

Ayon sa airline, ang kaligtasan at seguridad ay pinapahalagahan nila sa lahat ng operasyon at sinusuportahan nila ang mga imbestigasyon ng mga awtoridad.

Samantala, ang Airbus ay idinisenyo na kayang suportahan ang paglipad at ligtas na paglapag kahit mawala ang isang gulong sa main landing gear, kaya nagawa nitong magpatuloy at ligtas na makalapag sa London.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments