𝗘𝗩𝗘𝗥𝗬𝗗𝗔𝗬 𝗜𝗦 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Kasalukuyang umaarangkada ngayong buwan ng Hunyo ang Everyday Bakunahan sa Mangaldan, Bakunaa’y Ogogaw Natan tan Agew Agew.

Mula June 3 hanggang 27 ang itinakdang schedule para sa lahat ng barangay sa bayan.

Inaasahan ang bakunahan para sa mga bata partikular ang Routine and Catch-Up Immunization, at Supplemental Immunization.

Layon ng nasabing programa na matiyak ang kaligtasan ng mga bata laban sa sakit tulad na lamang ng measles, rubella, polio, diphtheria, pertussis, tetanus, pneumonia at iba pa.

Samantala, sa naturang programa, hindi na kinakailangan hintayin ang itinakdang bakuna day sa bawat lokal na pamahalaan dahil bukas ang pagpapabakuna Lunes hanggang Linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments