Nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 pagdating sa pamamahagi ng mga Family Food Packs at iba pang mga kakailanganin ng mga apektadong residente ng Bagyong Enteng sa Ilocos Region.
Nakatakdang ihatid ang mga ito sa, anim na warehouse sa Ilocos Norte, lima sa Ilocos Sur, dalawa sa La Union at anim sa Pangasinan ang mga FFPs para sa augmentation request ng mga lokal na pamahalaan.
Pinagtitibay din ang koordinasyon ng ahensya sa mga LGUs para sa monitoring ng sitwasyon at mga nararapat na maibigay na tulong sa mga maaapektuhan.
Samantala, sa pinakahuling Rainfall Advisory, patuloy na mararanasan ang mga pag-uulan sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan dulot pa rin ng Habagat na pinalalakas ni Bagyong Enteng. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨