𝗙𝗔𝗥𝗠-𝗧𝗢-𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗕𝗨, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔

CAUAYAN CITY – Malaking tulong sa Barangay Wangal, Kasibu, Nueva Vizcaya ang natapos na proyektong Farm-to-Market Road.

Ang nasabing proyekto ay may haba na higit dalawang kilometro, may luwang na 3.05 meters, at kapal na 0.20 meters.

Mayroon din itong 109.80 cubic meter stone masonry catchwall bilang proteksyon sa mga posibleng soil erosion at water runoff.


Sa pagkumpleto ng proyekto, inaasahan na mas mapapabuti at lalago ang agricultural productivity ng nabanggit na lugar.

Inaasahan ding mas mapapadali na ang transportasyon ng mga magsasaka sa kanilang produkto papuntang merkado.

Facebook Comments