𝗙𝗔𝗥𝗠𝗚𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗪𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡

May bahagyang paggalaw sa farmgate price ng ilan sa mga lowland vegetables ngayon sa buong rehiyon uno kung saan may mga tumaas ang kada kilo.

Ayon sa inilabas na data ng Department of Agriculture Ilocos Region para sa buwan ng December 18-22, 2023, bahagyang tumaas ng 20%-25% ang presyo ng ilan sa mga lowland vegetables tulad ng sitaw, kalabasa, at talong.

Bumaba naman ang presyo ng pechay sa mga ibinabagsak sa pamilihan sa rehiyon kung saan naglalaro sa 15 hanggang 40 pesos ang kada kilo nito.

Nananatili naman ang presyo ng ilan pa sa mga lowland vegetables tulad ng ampalaya na nasa 40 ang bentahan sa Pangasinan, kamatis na nasa 15 kada kilo at okra na nasa 30 ang kada kilo.

Sa ngayon, kaya pa umano ng ilang vegetable retailer ang ganitong presyuhan ng mga produktong gulay at umaasang mananatili na lamang presyo ng mga ito hanggang sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments