𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟

Dalawang araw nang Matumal ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan simula nang mag-umpisa ito noong October 1.

Sa datos ng COMELEC Dagupan, wala pang naghain ng kandidatura sa nakalipas na dalawang araw ngunit ilang indibidwal ang nagtungo sa kanilang tanggapan upang mag inquire sa paghahain ng COC.

Dagdag ng tanggapan, kadalasan sa mga huling araw pa inaasahan ang pagdagsa ng mga aspirante sa lungsod para sa halalan sa susunod na taon.

Samantala, patuloy na nakaantabay ang pwersa ng kapulisan upang imonitor at bantayan ang bisinidad ng mga kakandidato at ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments