π—™π—Ÿπ—’π—’π—— π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘ π—˜π—«π—˜π—₯π—–π—œπ—¦π—˜, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π— π—”π—‘π—¨π—˜π—Ÿ

Cauayan City – Upang makita ang kahandaan ng komunidad pagdating sa panahon ng kalamidad, nagsagawa ng Flood Simulation Exercise sa Brgy. Eden, San Manuel, Isabela kahapon ika-6 ng Agosto.

Ang nabanggit na aktibidad ay pinangunahan ng Rural Health Unit San Manuel sa pamumuno ng Municipal Health Officer at Disaster Risk Reduction & Management in Health Manager na si Dr. Nikki Rose R. Agcaoili.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development, Rescue San Manuel, BFP, PNP, Municipal Engineering Office, Local Finance Committee, OSCaA, mga opisyal, health workers at BPATs members ng Brgy. Eden.


Layunin ng aktibidad na ito na mas mapatibay ang ugnayan ng iba’t-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan ng San Manuel at ang komunidad para sa mas epektibong paghahanda sa panahon ng sakuna.

Samantala, nagbigay paalala naman ang Alkalde ng nabanggit na bayan patungkol sa kahalagahan ng pakikiisa sa aktibidad na katulad nito upang magkaroon ng tama at sapat na kaalaman pagdating sa pagiging handa sa panahon ng sakuna.

Facebook Comments