Tuesday, February 10, 2026

𝗙𝗟𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗦𝗛𝗢𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢


Cauayan City – Naghahanda na ang mga flower shops sa lungsod ng Cauayan para sa nalalapit na pagdating ng araw ng mga puso sa February 14.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Robelita Del Rosario, isa sa mga nagbebenta ng bulaklak, sinabi nito na may mga orders na silang natatanggap mula sa mga regular nilang customer.

Gayunpaman, kadalasan umanong dumadagsa ang nagpapa reserve ng bulaklak pagsapit ng ika-12 at ika-13 ng Pebrero, habang ang mga buyers naman ay dumarating hapon pa lamang ng ika-13 ng Pebrero hanggang sa mismong araw na ng mga puso.

Ayon kay Ginang Robelita, wala naman umanong pagbabago sa ngayon sa presyo ng bulaklak ngunit inaasahan na sa mismong araw ng Valentines at magkakaroon ng bahagyang pagtaas.

Sa ngayon, nasa 350 pa rin ang presyo ng pinakamurang bouquet ng bulaklak na kadalasan ay isang piraso ng sunflower o di kaya naman ay 3 piraso ng red roses, habang nasa P5000 naman ang pinakamahal, depende sa gusto ng customer.

Bagama’t marami ngayon ang nagsusulputang mga handmade flowers sa merkado, mas marami pa rin umano ang tumatangkilik sa fresh flowers bilang panregalo tuwing araw ng mga puso.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments