Dagsa na ngayong araw ang mga mamimiling pumupunta sa mga pamilihan ng bulaklak sa lungsod ng Dagupan para humabol at makapagpareserve ng kanilang mga order na bulaklak.
Ang ilang mamimili, sinabing mas prefer nilang magpareserve ng mga dried flower bouquet para maganda at matingkad pa rin kapag ibibigay sa araw mismo ng mga puso habang ang ilan, mas nais pa rin ang mga fresh flowers.
Nasa ₱250 pataas ang presyo ng mga dried flower bouquet habang nasa mas mataas na price mula ₱260 hanggang ₱600 naman ang mga fresh flower bouquet.
Kung hindi umano pasok sa budget ang bouquet, hindi naman umano nagbabago ang presyo ng kanilang bulaklak per stem kung saan nasa presyo ng ₱70 pa rin gaya na lamang ng sunflower.
Sa ngayon, inaasahan pa ang mas maraming mamimili ng bulaklak bukas hanggang araw mismo ng mga puso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨