𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗖𝗥𝗘𝗗𝗜𝗧𝗘𝗗 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗧𝗨𝗠𝗣𝗨’𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗡𝗔

Umabot na sa pitumpu’t tatlo (73) ang mga food lane accredited trucks sa buong rehiyon uno ayon sa tanggapan ng Department of Agriculture.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Region 1, pagmamay-ari ang mga food lane accredited truck ng grupo, asosasyon at negosyo sa rehiyon kung saan pinakamarami sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang pagbibigay o pagkakaloob ng food lane accreditation sa mga truck ay ginagamit sa paghahatid ng mga iba’t-ibang agricultural commodities papunta sa Metro Manila at iba pang demand center sa bansa.

Layon din ng programang ito na matiyak ang mabilis na paghahatid ng mga agri-fishery commodities pati upang mabawas sa gastos pagdating sa transportasyon at post-harvest loss. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments