Lumagpas pa sa higit isang daang porsyento (100%) ang food sufficiency na sa mga major food commodities sa buong Ilocos Region noong nakaraang taon.
Sa datos mula sa DA – Regional Field Office 1, nasa 181% ang sufficiency level sa bigas, 254% sa mais, 1, 204% sa manga, 193% sa kamatis, 391% sa sibuyas, 158% sa mungbean, 363% sa peanut, 68% sa bawang, 506% sa kalabaw, 132% sa baka, 407% sa kambing, 13% sa manok, at 55% sa baboy.
Sa naganap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, inihayag ni DA RFO1 Regional Executive Director Annie Bares, na patuloy na mas palalawigin pa ang ang mga programa at serbisyo upang mas mapabuti ang sektor ng agrikultura ng rehiyon.
Samantala, tuloy tuloy din ang inilulunsad na mga programa para sa ikabebenipisyo ng mga magsasaka at mangingisda sa buong Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨