𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Tinanggap na ng mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan ang tulong na Fuel Subsidy mula sa Department of Agriculture (DA) sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng bayan.

Nasa apatnapu’t-isa (41) mga magsasaka ang napamahagian ng tig-tatlong libong piso (P3, 000) bawat isa.

Mapapakinabangan ng mga benepisyaryo ang tulong pinansyal bilang ng krudo sa mga makinaryang ginagamit ng mga ito sa pagsasaka.

Samantala, buwan ng Abril ngayong taon nang ihayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakapaglaan ang ahensya ng halos isang bilyong piso na halaga para sa mga magiging benepisyaryo ng Fuel Subsidy sa buong bansa.

Layon nitong matulungan ang mga magsasaka at magsasaka lalo na at patuloy na nararanasan ang unstable na presyo ng gasolina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments