𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗜 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗝𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘 𝗩𝗜𝗞𝗧𝗢𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗘𝗝𝗜𝗔, 𝗔𝗚𝗔𝗪-𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰

Bagamat hindi naiuwi ni Miss Grand Pangasinan 2024 Jenesse Viktoria ang korona sa ginanap na Miss Grand Philippines 2024 agaw pansin ang ganda at talino ng 24 anyos na dalaga sa naturang pageant.

Ilang pageant fans ang pumuri sa morenang ganda at galing nito sa pagsagot sa Question and Answer portion sa kompetisyon.

Ayon sa ilang post ng pageant fans, future title holder at magiging representative ng Pilipinas sa international stage ang dalaga.

Pasok sa Top 10 sa kompetisyon si Jenesse na tubong Malasiqui, Pangasinan at nabigyan ng pagkakataon na iparating sa publiko ang kaniyang adbokasiya na ‘iMatter’.

Aniya,naranasan nitong mabully noon kung kaya’t mensahe nito sa mga kabataan na maging matatag lamang dahil may magandang kinabukasan na naghihintay para sa mga ito.

Samantala, nagpasalamat ito sa mga sumuporta sa kaniya lalo na ang mga Pangasinense na nakiisa sa kaniyang laban bilang pambato ng probinsiya sa prestihiyosong pageant competition. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments