
Cauayan City – Muling umani ng atensyon sa mundo ng showbiz ang K-pop matapos magwagi ng Grammy Award ang kantang “Golden” mula sa pelikulang KPop Demon Hunters.
Ito ang kauna-unahang K-pop song na nagkamit ng parangal sa Grammy, bagay na agad naging usap-usapan sa international entertainment scene.
Inawit ng fictional group na Huntr/x, tinanghal ang kanta bilang Best Song for Visual Media sa ginanap na awards night sa Los Angeles at nominado rin ito sa Song of the Year.
Matapos ilabas noong Hunyo, naging pinaka-pinapanood sa Netflix ang KPop Demon Hunters na may higit 480 million views.
Nanguna rin sa Billboard charts ang soundtrack, patunay ng patuloy na paglawak ng impluwensiya ng K-pop sa global showbiz industry.
Facebook Comments










