Tuesday, February 17, 2026

š—šš—¢š—©š—˜š—„š—”š—¢š—„ š—š—œš—”š—š š—šš—”š— š—•š—œš—§š—¢, š—”š—”š—”š—šš—”š—žš—¢š—”š—š š—§š—Øš—§š—Øš—Ÿš—Øš—”š—šš—”š—” š—”š—”š—š š—£š—”š— š—œš—Ÿš—¬š—” š—”š—š š——š—”š—Ÿš—”š—šš—”š—”š—š š—£š—œš—”š—”š—§š—”š—¬ š—¦š—” š—”š—Øš—˜š—©š—” š—©š—œš—­š—–š—”š—¬š—”



Cauayan City – Ipinag-utos ni Nueva Vizcaya Governor Atty. Jose “Jing” Gambito sa Nueva Vizcaya Provincial Police Office na tutukan at ipursige ang imbestigasyon hanggang makamit ang ganap na hustisya sa pagkamatay ng 19-anyos na estudyante na natagpuang sunog ang katawan sa Barangay Madiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Inatasan ng gobernador si Provincial Police Director Police Colonel Paul Bometivo na bigyang-priyoridad ang kaso ng biktimang si Elyza Esmeralda, isang second-year BS Tourism student ng Nueva Vizcaya State University.

Matatandaang natagpuan ang kanyang mga labi noong ika-12 ng Pebrero, ilang araw matapos iulat ng pamilya ang kanyang pagkawala. Ayon sa ulat, nakilala siya ng ama batay sa suot na damit na hindi nasunog.

Samantala, kusa naman sumuko sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas ā€œErnie,ā€ 33 taong gulang at residente rin ng Barangay Madiangat. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad habang patuloy ang beripikasyon ng kanyang pahayag at pangangalap ng ebidensya.

Binigyang-diin ni Gob. Gambito na kailangang maihatid ang buong hustisya para sa biktima at kanyang pamilya. Tiniyak rin nito ang suporta ng pamahalaang panlalawigan at nangakong tutulong sa paghahabol ng hustisya at inanunsyo ang pagkakaloob ng scholarship sa isa sa mga kapatid ni Elyza na kasalukuyan ding nag-aaral sa NVSU.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang forensic examination at mga field inquiry, upang matukoy ang buong pangyayari sa likod ng krimen at mapatibay ang kaso laban sa mga responsable.
————————————–

ā€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Ā www.rmn.ph/985ifmcauayan.

ā€Ž#985ifmcauayan
ā€Ž#idol
ā€Ž#numberone
ā€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments