𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟬 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔

Nahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang 15 anyos na estudyante sa Rosales National High School.

Ayon sa security guard ng paaralan, nagsasagawa umano ito ng roving nang nakaamoy ng tila sigarilyo sa comfort room ng paaralan.

Nadatnan niya ang isang grade 10 student sa Comfort room kung kaya’t agad nitong ininspeksyon ang bag ng bata.

Nakita niya sa bag ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, lighter at balisong.

Hindi akalain ng tiyahin ng Menor de edad ang natagpuan ng awtoridad sa loob ng bag nito.

Dinala na sa ang hinihinalang marijuana sa Provincial forensic unit para sa pagsusuri.

Itinurn over na ng pulisya sa MSWDO ang bata para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙁𝙈𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙚𝙍𝙚𝙥𝙤𝙧𝙩

Facebook Comments