𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟮 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗖𝗛𝗜𝗘𝗩𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗘𝗦𝗧

Nagtake ng National Achievement Test o NAT ang mga grade 12 students o senior high tulad sa Dagupan City National High School nitong March 18,2024 lamang.

Ang National Achievement test ay isinasagawa para malaman at masukat ang kapasidad ng pagkatuto ng isang estudyante maging ang pag-alam kung gaano nga ba ka-epektibo ang iniimplementa o ginagamit na curriculum sa mga paaralan.

Gagamitin rin umano ang naturang achievement test sa mga planning purposes at pagsasagawa ng plano mula sa higher office.

Dito rin makikita ang kabuuang kakayahan o competency sa pag-aaral ng mga estudyante.

Samantala, kinokonsidera naman ng naturang paaralan ang pagpapatupad ng blended learning modality sa oras na lalo pang tumindi ang nararanasang epekto ng mainit ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments