Nagpapatuloy ang Green Canopy Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na inumpisahan noong ika-15 ng Pebrero noong nakaraang taon.
Sa pangunguna ng Gobernador ng lalawigan, nilalayon nitong mapangalagaan ang kalikasan gayundin ang pagsusulong ng diwa ng pagkakaisa at pagbabayanihan ng bawat pangasinense.
Samantala, mula Pebrero-Disyembre noong nakaraang taon nasa higit 150,000 seedlings na ang itinanim, tulad na lamang ng kasoy, sampalok, kape, mangga, pine tree, mangrove, iba’t ibang fruit bearing trees at marami pang iba.
Ngayong taon, sila’y nagsisikap na makapagtanim ng 350,000 na seedlings. Parte lamang ito ng mithiing makapagtanim ng nasa isang milyong puno sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan.
Nito lamang ika-2 ng Pebrero, nasa tatlong libo ang naitanim na mga bakawan sa may bahagi ng Infanta.
Katuwang ng pamahalaan sa proyektong ito ang mga local government units, mga law enforcement agencies, mga paaralan, mga mag-aaral, at maging ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨