𝗚𝗥𝗢𝗦𝗦 𝗗𝗢𝗠𝗘𝗦𝗧𝗜𝗖 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟮, 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗚𝗢, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗦𝗔

Nakitaan ng paglago ang Gross Domestic Product (GDP) ng lalawigan ng Pangasinan sa taong 2022 ayon sa datos na ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihayag kamakailan ni PSA Pangasinan chief statistician Edgar Norberte na may paglago sa tatlong pangunahing industriya ng lalawigan at ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Rehiyon ng Ilocos ay ang agrikultura, forestry, at pangingisda sa 61.4 %; industriya, 52 %; at mga serbisyo, 52.6 %.

Nakatulong din ang industriya na nsa 52% at mga serbisyo na nasa 52.6 % naman.

Ang mga industriya ng Pangasinan na may pinakamalaking bahagi sa ekonomiya ay ang agrikultura, forestry, at pangingisda sa 19%; pakyawan at tingian na kalakalan at pagkukumpuni ng mga sasakyang de-motor at motorsiklo, 17.1 %; konstruksiyon, 11.5 %; at factory, 11.3 %.

Sinabi ni Norberte na ang per capita GDP ng Pangasinan ay nagkakahalaga ng PHP 111,451 noong 2022, mas mababa sa regional per capita na PHP 122,333.

Sa apat na ekonomiya sa rehiyon, ang lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamababang naitala na per capita GDP, habang ang Ilocos Norte ang may pinakamataas na per capita GDP na PHP 150,150.

Ang GDP per capita ay tinukoy bilang kabuuang halaga na idinagdag ng lahat ng resident producer sa ekonomiya kasama ang anumang mga buwis sa produkto na hindi kasama sa valuation ng output, na hinati sa midyear population.

Gayunpaman, ang Pangasinan ang may pinakamataas na bahagi sa Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng Ilocos Region sa PHP654.87 bilyon. Nagbahagi ito ng 53.9 % ng kabuuang GRDP noong 2022. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments