Isinagawa ang isang groundbreaking ceremony para sa phase ng 1 sa konstruksyon ng Pangasinan Link Expressway o PLEX project kung saan pinasinayaan ito sa Brgy. Balligi, Laoac.
Ayon kay Pangasinan Governor Ramon Guico III sa kanyang opening remarks, sinabi nitong ang pagsasagawa ng PLEX project na ito ay magbubukas ng iba’t-ibang oportunidad at posibilidad sa mga lungsod at bayan sa probinsya lalo na pagdating sa sektor ng negosyo at investments.
Isa rin ito sa maaaring makapagbigay at makapagbukas ng marami pang trabaho at ang pinaka-importante, mapadali at mapabilis pa ang oras ng pagbiyahe sa loob at paglabas ng probinsya.
Ang naturang groundbreaking ceremony ay dinaluhan ng San Miguel Corporation na siyang partner ng Provincial Government sa pagsasakatuparan ng naturang expressway.
Dumalo rin sa naturang seremonya ang mga opisyal mula sa iba’t-ibang distrito ng Pangasinan bilang pagsuporta sa naturang proyekto.
Samantala, may kabuuang halaga na thirty-four billion pesos ang budget para sa pagsasakatuparan ng Pangasinan Link Expressway. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨