Naitala ang 189 na kaso ng prostitusyon sa Region 1 ngayong taon ayon sa datos ng Department of Justice.
Ito ang may pinaka mataas na bilang ng kaso umano sa mga uri ng Human Trafficking na naitatala sa buong rehiyon.
Ayon kay DWSD Region 1 Regional director, Marie Angela Gopalan, ilan pa sa mga naitatalang kaso ng human trafficking ay pagkakaroon ng modus na nangangako sa isang indibidwal na magkakaroon ng trabaho sa ibang lugar ngunit gagamitin ang mga ito sa illegal na aktibidad.
Inihayag rin ng DOJ Region 1, kalakip sa modus na ito ang mga cybercrimes tulad ng child sexual abuse at child pornography kung saan laganap na naisasagawa dahil sa digital technology.
Dahil dito, mas pinaigting ng miyembro ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking-Child Pornography-Violence Against Women and their Children (RIACAT-CP-VAWC) sa rehiyon ang mga hakbangin upang maiwasan ang human trafficking.
Tiniyak naman ng National Bureau of Investigation Region 1 na tinututukan nila ang mga kaso ng human trafficking in person at sinisigurong mabilis na naaksyunan ang mga ito.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀