Nakapagtala ng panibagong 59 kaso ng COVID ang Department of Health – Ilocos Center for Health Development (DOH-CHD1), mula Enero 21-27, 2024 sa rehiyon uno, base sa inilabas nitong COVID-19 case bulletin nitong ika-27 ng Enero.
Lumalabas sa datos ng DOH-CHD 1 na may average na 8 na kaso ang naitatala araw-araw. 3% sa mga Non-ICU Bed at 8% naman sa ICU Bed ang okupado. Ayon sa DOH-CHD1, mas mababa ito ng 3.3% kumpara sa mga naitala noong nakaraang linggo.
Wala namang nasawi o may malubha o kritikal na karamdaman ang naitala sa mga bagong kaso.
Patuloy ang pagpapaalala ng kagawaran ng kalusugan na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Hinihikayat nila ang bawat isang patuloy na sundin ang mga minimum public health standard para sa kaligtasan ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨