Umabot sa 3. 7 milyong piso ang naitalang danyos sa agrikultura nang nagdaang Bagyong Julian sa Pangasinan.
Sa tala ng PDRRMO Pangasinan, karamihan sa mga nasira ay ang pananim ng mga magsasaka na Palay na Nalubog sa baha.
Ayon pa sa datos, lubhang naapektuhan ang mga bayan ng Calasiao, Mapandan, Manaoag at San Jacinto.
Dahil dito, hinihikayat ang mga magsasaka sa lalawigan na magpa insure ng mga pananim upang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments