Nakatanggap na ang 173,850 na kabuuang bilang ng mga magsasaka mula sa 234, 865 sa Rehiyon Uno sa ilalim ng programa ng gobyerno na Rice Farmer Financial Assistance (RFFA).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Ilocos Region Information Officer Vida Cacal, layunin ng mahigit isang bilyong pisong inilaan ng kanilang ahensya, na maibsan ang epekto ng El Niño sa rehiyon, pati na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gamit pangsaka.
Dagdag pa, aniya, na ang mga benepisyaryo ng programang ito ay sinigurong hindi umaabot sa dalawang ektarya ang sinasaka.
Samantala, may kabuuang 98,812 ang bilang ng mga benepisyaryo mula sa Pangasinan; 39,495 sa La Union; 46, 705 sa Ilocos Sur, at 49,853 naman mula sa Ilocos Norte.
Sa ngayon, humihiling naman ang mga magsasaka sa rehiyon ng corn seeds upang mapunan ang kanilang pagkalugi sa mga pananim nilang palay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨