Inaasahang magtutuloy-tuloy pa hanggang sa susunod na linggo ang serye ng malakihang taas presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, nakaamba ang oil price adjustment sa mga sumusunod:
Gasoline – P0.85 to P1.15
Diesel – P1.55 to P1.85
Kerosene – P1.00 to P1.10
Inaasahang magiging epektibo ang price adjustment sa June 24, 2024.
Isa sa nakikitang dahilan ng naturang paggalaw ay ang nagpapatuloy na geopolitical tension maging ang ukol sa usaping suplay nito.
Samantala, matatandaan na nauna kasalukuyang umiiral ang dagdag presyo na P0. 85, P1. 75 at P1. 90 sa kada litro ng Gasoline, Diesel at Kerosene. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments