Nasa halos dos pesos o P2 muli ang inaasahang dadagdag sa serye ng oil price hike sa susunod na linggo.
Base sa 4-day average of MOPS index, ang Gasoline may dagdag na 75 cents hanggang 1 piso at 5 cents, ang Diesel, possible rin ang taas ng nasa ₱1.45 hanggang ₱1.95 habang ang Kerosene, may maaaring paggalaw din na ₱0.90 hanggang ₱1.40.
Sa kasalukuyan, umiiral ngayon ang taas presyo sa Gasolina na ₱2.80 per liter, Diesel na may umentong ₱1.30 per liter at Kerosene na nasa ₱0.45 kada litro na dagdag na epektibo nito lamang January 30.
Muling nadismaya ang ilang mga PUV PUV drivers sa Pangasinan dahilan na ang mahigit dalawang daang piso na napupunta sa pangkrudo ay malaking bagay na raw at maaari na itong pambili ng bigas.
Samantala, matatandaan na nauna nang inihayag ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbabawas ang mga ito ng nasa 2.2M barrels per day ng oil production sa unang quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨