CAUAYAN CITY- Dahil sa patuloy na pag-akyat ng kaso ng dengue sa Cordillera Administrative Region ay itinaas sa heightened/blue alert ang buong rehiyon noong ika-1 ng Agosto.
Ayon sa datos ng Department of Health – Cordillera may naitalang 9,982 kaso ng dengue mula unang araw ng Enero hanggang ika-3 ng Agosto taong kasalukuuyan.
Sa halos sampung libong kaso sa nasabing rehiyon ay dalawampu’t-dalawa dito ang namatay dahil sa sakit na ito.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at sundin ang anti-dengue measures upang hindi matamaan ng nakamamatay na sakit na dengue.
Facebook Comments