𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟭𝟬𝟬-𝗞 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥𝗦, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Umabot na sa 92,625 o halos 100,000 ang bilang ng mga rehistradong botante mula sa lungsod ng Cauayan.

Ito ang ibinahagi ni Cauayan City Commission on Elections Officer Atty. Johanna Vallejo ngayong umaga, ika-12 ng Agosto.

Ayon sakanya, mahigit isang buwan na lamang ang nalalabing panahon bago matapos ang voters registration kaya naman hinihikayat nito ang lahat ng mga Cauayeñong hindi pa nakakapagreshistro ganundin sa mga deactivated voters na bumisita na sa kanilang opisina upang maayos ang kanilang record.


Bukod pa rito, tuluy-tuloy rin ang kanilang programang Satellite Registration kung saan personal silang bumibisita sa mga barangay sa lungsod, partikular na sa malalayong barangay upang mas matulungan ang mga residente na mapadali ang kanilang pagre-rehistro.

Samantala, sinabi rin na Atty. Vallejo na bukas ang kanilang opisana mula lunes hanggang sabado, maging sa mga holidays kaya’t maaaring bumisita ang mga aplikante anumang oras sa mga araw na ito.

Facebook Comments