𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟭𝟱𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯

Nasa halos isang daan at limampung daang libo o 150, 000 ang matagumpay na naitanim na mga binhi sa iba’t-ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.

Bukod sa layon nitong mapangalagaan ang kalikasan, makatutulong din ito sa pagprotekta laban sa mga kalamidad tulad ng pagbaha.

Ilan sa mga uri ng itinanim ay ang mangrove o bakawan, ilang uri ng fruit bearing trees tulad ng bamboo, coconut, jackfruit, coffee at marami pang iba.

Sa taong 2024, target ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na makapagtanim ng dobleng bilang ng naitanim noong nakaraang taon.

Kaugnay sa usaping pangkalikasan ay ang kasalukuyang pagsasaayos ng Pangasinan Ecological Park sa bayan ng Bugallon na planong buksan sa taong 2025.

Samantala, ang mga nasabing proyekto ay sa ilalim ng adhikain ng kasalukuyan administrasyon na Green Canopy Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments