Matapos makapag sumite ng special permit ang ilang bus companies sa lungsod ng Dagupan, asahan na raw ang karagdagang unit ng bus na byabyahe na tutugon sa dagsa ng mga biyahero ngayong Holiday season.
Ayon sa Terminal Master sa isang bus company sa Dagupan na si Melchor Lopez, umaasa na maaprubahan ang kanilang request upang mapaglingkuran ang mga mananakay lalo na sa mga uuwi sa kapaskuhan at bagong taon.
Dahil dito, tinatayang nasa 200 units ng bus ang byabyahe upang mas mabilis na makarating ang mga biyahero at hindi kailangang magsiksikan.
Samantala, ilang bus companies na ang nagpatupad ng advanced booking system upang hindi na umano makipagsiksikan sa terminal ang mga pasahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments