𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟯-𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗩𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔

Matagumpay na naipamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang tulong pinasyal para sa mga kabilang sa Civilian Volunteers Organizations o CVOs sa probinsiya.

Kabuuang ₱2,759,000 ang ipapaabot sa mga CVOs mula sa mga bayan ng Alaminos City , Bolinao, Anda, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Mabini, at Sual.

Pinangunahan ang naturang pamamahagi ng tulong pinansyal na ito ng mga matataas na kawani ng probinsiya ng Pangasinan sa pangunguna ni Pangasinan Governor Ramon Guico III at bise-gobernador Mark Ronald Lambino at mga miyempre ng Sangguniang Panlalawigan.

Sinimulan ang pamamahagi kahapon ika-17 ng Enero sa District 1.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng financial assistance sa mga benipisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments