Unti-unti nang nararamdaman ang lamig na dala ng hanging amihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Kahapon, sa pagsisimula ng buwan ng Disyembre nakapagtala ng mababang temperatura ang ilang bayan sa lalawigan.
Ang San Fabian naitala ang 23. 6 degree Celsius at 23. 5 degree Celsius sa Rosales.
Bumagsak naman sa 22.7 degree Celsius ang naranasang temperatura sa Binalonan.
Ayon sa PAGASA patuloy na nagdala ng maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa lalawigan.
Asahan rin ang ang malamig na temperatura sa Gabi at umaga dahil sa naturang weather system.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments