Nagsagawa ng pagpupulong ang health authorities sa Ilocos Region para sa paghahanda at response measure laban sa banta ng Mpox.
Pinangunahan ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang pulong sa mga kawani ng Municipal Health Offices, at Provincial Health Office sa rehiyon.
Ilan sa mga tinalakay ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit, detection, isolation, treatment at iba pa para sa mga maaring tamaan ng sakit.
Ibinahagi rin ang iba’t-ibang estratehiya ukol naman sa pagbababa ng kamalayan at kaalaman tungkol sa sakit sa mga lokalidad at komunidad.
Paalala ng health authorities ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask upang maiwasan mahawaan at kumalat ang sakit. Sa kasalukuyan, nanatiling walang kaso ng mpox sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨